Tuesday, February 3, 2015

Pakilala Muna Ako

Since ito ang una kong blogpost, might as well na magpakilala na ako. 

Ako nga pala si Wrenbria Ngo. Cosplayer ako na mula sa Pinas. Kaya ako siguro nagpapakilala para akuin ko lahat ng resposibilidad sa pagsulat ko sa blog na ito. Lahat ng maipopost ko dito ay opinyon ko lamang, at hindi ibig sabihin na lahat ng comment dito ay opinyon ko na din.

Yan nga pala sa gilid ang picture ko, para pag nakita niyo ako sa con at natamaan kayo sa mga sinasabi ko, open kayo na sabihin sakin ng direstsahan at hindi patago.

Explain ko muna kung bakit gumawa pa ako ng blog, at hindi ko nalang idaan ang lahat ng mga bagay sa facebook, kung saan grabe naman ako makapagpost din at lagi din naman ako online------wala lang. Siguro mas madali sakin na dito nalang ilagay ang mga saloobin ko kaysa sa mag-malafamewhore nanaman ako sa facebook. :) Ewan, basta ayun, gumawa na ako ng blog para mas mahaba din ang maisulat ko. Oo, alam ko hindi ako ang pinakamagaling magsalita sa buong mundo pero sana naman maintindihan niyo sinasabi ko.

Ang magiging laman siguro ng blog na to ay kahit anong maisipan ko. Hahaha. Mostly tungkol sa cosplay sa Pinas. Pwede ito maging patama, tutorial, WIP na costume---dito ko idudump sa blog na ito. Ayan, ginawa kong bold para alam niyo na kung anong ieexpect sa blog ko.

Nagtataka naman kayo siguro sa pangalan ng blog ko. "Walang bastos sa di malisyoso." Bago niyo ako husgahan ng mali, gusto ko na malaman niyo na kung wala talagang bastos sa mga bagay kung hindi kayo malisyoso mag-isip. Kung sa Science nga ang dali dali nating sabihin ng mga katagang "vagina" at "penis", eh ano naman ang "pepe" at "tite". Basta, ganyan ang naiisip ko lagi. Nagulat ba kayo? Sana naman hindi, kasi kitang kita naman sa blog title ko na ganito ako magsalita. Hahaha :)

Siguro hanggang dito nalang muna itong pakilala ko, makikilala niyo naman ako lalo sa mga susunod kong mga post dito. :)

-Bria


2 comments: